MGA KUMAKANDIDATO SA BSKE 2023 SA DAGUPAN CITY, UMPISA NA SA PANGANGAMPANYA

Nag-umpisa nang mangampanya ang mga kumakandidato sa Dagupan City para sa Barangay and SK Elections 2023 gaya na lamang sa mga ilang island barangays at iba pang mang malalaking barangay sa siyudad.
Ang mga kumakadidato sa Barangay Calmay at Carael, nag-umpisa nang magpaskil ng kanilang mga campaign posters sa mga itinalaga lamang na lugar at mga bahay na may permiso ng mga may-ari.
Kanya-kanya na rina ng ilan sa pagpapatutog ng kanilang mga jingle songs para ipromote ang sarili sa kanilang mga ka-barangay.

Sinisiguro naman ng mga kumakandidato na wala silang sinusuway sa mga partakaran na inilabas ng COMELEC Dagupan habang sila nangangampanya.
Matatandaang naglabas ng paalala ang COMELEC Dagupan ukol sa mga dapat na sundin at maging mga hindi dapat ipamigay ng mga kandidato habang nagaganap ang campaign period at kung sino man ang lalabag ay haharap sa kaukulang parusa. |ifmnews
Facebook Comments