Mga kumalat na larawan ng mga opisyal ng gobyerno at ni Alice Guo, hindi big deal kay PBBM

Para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi big deal ang mga kumakalat na larawan nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos, Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Marbil, at dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa ambush interview dito sa Rizal, sinabi ng Pangulo na parte na ng bagong kultura ang pagpapa-selfie kaya’t hindi aniya ito dapat batikusin.

Dagdag pa ng Pangulo, tinagurian pa ngang ‘selfie capital of the world’ ang Pilipinas kung kaya’t wala siyang nakikitang masama sa ginawa ng mga opisyal.


Matatandaang binatikos ng publiko ang tila pagiging cordial ng mga opisyal ng pamahalaan kay Guo na isang pugante.

Facebook Comments