Mga kumpanya, hindi obligadong magpatupad ng WFH arrangements, sa harap ng nakaambang EDSA rebuild —DOLE

Hindi obligado ang mga kumpanya na magpatupad ng work-from-home (WFH) arrangements.

Ito ang iginiit ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa harap ng ipapatupad na EDSA rebuild na aarangkada sa susunod na buwan.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, hindi oobligahin o uutusan ang mga kumpanya na magpatupad ng work from home sa kanilang mga empleyado.

Dapat aniya maging boluntaryo at consensual ang WFH scheme kung saan dapat mag-usap at magkasundo ang employers at mga manggagawa.

Sa kabila niyan, hihimukin ng DOLE ang employers na isaalang-alang ang WFH arrangement o flexible working hours na hindi makakaapekto sa operasyon ng kumpanya.

Facebook Comments