Manila, Philippines – Ipasasara ng gobyerno ang mga kumpanya ng langis na nagpatupad ng ikalawang bugso ng fuel excise tax sa kanilang mga produktong petrolyo na bahagi pa ng kanilang 2018 inventory.
Ayon kay Finance Asec. Tony Lambino – maaari lamang ipatupad ng mga oil companies ang excise tax kung ubos na ang kanilang imbentaryo mula sa nakaraang taon.
Kung magmamatigas, mahaharap ang mga ito sa administrative sanctions katulad na lamang ng pagpapasara ng negosyo o pagbawi sa kanilang lisensya.
Bukod dito, maari rin daw maharap ang mga ito sa criminal liabilites tulad ng estafa.
Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ng ahensya ang mga gasoline station habang inabisuhan ang mga motorista na isumbong ang mga gasolinahang nagbebenta ng kanilang produkto sa kahina-hinalang presyo.