Mga kumpanya ng langis, nag-anunsyo na ng kani-kanilang oil price hike bukas

Manila, Philippines – Isa-isa nang nag-aanunsyo ng dagdag-presyo sa langis ang mga oil company.

Alas 6:00 ng umaga bukas, sabay-sabay na magpapatupad ang Shell, Petro Gazz at PTT Philippines ng dagdag na P0.80 sa kada litro ng gasolina, P0.70 sa diesel at P0.40 sa kerosene.

Parehong oil price hike din ang ipatutupad ng Caltex pero epektibo ito alas 12:01 mamayang hatinggabi.


Paglilinaw naman ng mga kumpanya ng langis, ang naturang price adjustment ay hindi dahil sa panibagong fuel excise tax kundi dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo sa world market.

Facebook Comments