Mga kumpanya ng langis, nanawagan sa DOE

Nanawagan ang mga kumpanya ng langis sa Department of Energy (DOE) na huwag agad magpatupad ng koleksyon sa ikalawang bugso ng excise tax sa langis sa a-primero ng Enero ng susunod na taon.

Ito ay dahil mayroon pa silang stocks at imbentaryo ng langis na magtatagal pa ng 15 hanggang 30 araw.

Sinabi ni DOE Assistant Director Rodela Romero – ang mga industry player ay kailangang magsumite ng kanilang inventory report hanggang sa December 31, 2018 upang ma-assess nila kung kailan ang mga ito na magpapataw ng dagdag excise tax.


Base sa second tranche ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ang excise tax sa gasolina at diesel ay inaasahang tataas sa dalawang piso kada litro, epektibo sa January 1, 2019; piso naman ang dagdag sa kada kilogram ng LPG at piso para sa kerosene products.

Sa kabuoan, inaasahang aabot na sa siyam na piso kada litro ang excise tax, ₱4.50 per liter sa diesel, ₱4 per liter sa kerosene at ₱2 per kilogram sa LPG.

Facebook Comments