Mga kumpanyang may 100 o higit na empleyado sa Quezon City, obligadong pahusayin ang kanilang health protocols sa workplaces

Naglabas ng gabay ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon para sa mabilis na contact tracing sa mga kumpanyang may 100 o higit pang empleyado.

Ang call centers at malalaking workplaces ay inaatasang magpatupad ng mga hakbang upang proteksyunan ang kalusugan ng mga empleyado at makontrol ang banta ng pagkalat ng virus.

Ilan sa nakapaloob sa guidelines ang responsibilidad ng kumpanya sa pagpapatupad ng masusing contact tracing kapag may confirmed na kaso ng COVID-19 sa mga empleyado o closed contacts.


Obligasyon na rin ang mga ito na isailalim sa 14-day home quarantine ang sinumang makikitaan ng sintomas ng virus at magpatupad ng swab testing.

Kasama rin sa magiging responsibilidad ng kumpanya ang pagsusumite ng updates ng confirmed cases at close contact sa City Epidemiological Surveillance Unit.

Samanatala, hinimok ng Local Government Unit (LGU) ang mga kumpanya na magbigay ng daily allowance sa kanilang mga empleyado habang naka-home quarantine.

Babala ng LGU, mahaharap sa suspension o pagbawi sa business permit at papatawan ng karampatang multa ang kumpanyang lalabag sa guidelines.

Facebook Comments