Mga kumpanyang may kaso ng tax liability sa BIR, pumalo na sa mahigit tatlong daan

Abot na sa tatlong daan apatnaput pitong kaso ng tax liability ang isinampa ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa mga tax evaders o mga kumpanyang hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Sa report na ipinadala ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa sa Executive Committee ng Department of Finance (DOF), ang kasong ito ay naisampa ng ahensya sa loob lamang ng buong taon ng 2019.

Mas mataas ang kasong ito kung ikukumpara sa 197 na kasong naisampa ng BIR noong 2018 na mayroong 15 billion pesos na hindi nabayarang buwis.


Sa computation ng BIR, aabot sa 24.04 billion pesos ang maaaring makolektang buwis ng pamahalaan sa 347 na kasong naisampa noong nakaraang taon.

Muli namang nagbabala ang ahensya na hindi nila palalampasin ang sinumang indibidwal o korporasyon na hindi nagbabayad ng tamang buwis kung saan may kalalagyan daw ang mga ito sa ilalim ng batas.

Facebook Comments