
Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kumpanya na gawing inclusive o para sa lahat ang mga aktibidad ngayong Kapaskuhan.
Sa gitna ito ng mga kabi-kabilang Christmas at Year end party na idinaraos ngayong Disyembre.
Ayon sa kagawaran, dapat igalang ang kultura, relihiyon, at personal na pasya ng mga manggagawa sa mga isasagawang aktibidad.
Samantala, sinabi ng National Labor Relations Commission (NLRC) na maaaring magsampa ng reklamo ang isang empleyado kung may kaakibat na bantang parusa kapag tumanggi ito.
Sa ilalim ng Labor Code, maaari lamang parusahan ang isang empleyado kapag nagkaroon ng misconduct, gross negligence, kawalan ng kumpiyansa o may nagawang krimen.
Sakali namang may bantang disciplinary action ay maaaring dumulog ang isang emoleyado sa NLRC kabilang na kung nagresulta ito para mapag-initan o magkaroon ng hindi magandang work environment na magresulta sa constructive dismissal.
Sinabi pa ng ahensiya na may posibilidad na maharap din sa paglabag sa Safe Spaces Law
Hinikayat naman ng Labor Department ang isang maayos at marespetong pagdiriwang ngayong holiday season.









