Mga Kumpiskadong Illegal na Paputok, Sinira Na!

66

*Tuguegarao City-* Sabayang sinira ngayong araw ang mga iligal na paputok na nakumpiska noong araw ng pasko. Ito ang naging pahayag ng pamunuan ng Police Regional Office 2 (PRO2).

Sa panayam ng RMN kay Police Superintendent Chevalier Iringan, ang Police Information Officer ng PRO2, naging payapa naman anya ang pagdiriwang ng pasko sa rehiyon at mababa lamang ang bilang ng nakumpiskang ipinagbabawal na paputok.

Nakahanda na rin anya ang pwersa ng PNP sa pagbabantay para sa pagsalubong sa bagong taon.

Panawagan naman ni Iringan na iwasang magtinda ng paputok kung walang kaukulang permit at umiwas sa paggamit ng malalakas at ipinagbabawal na paputok para makaiwas din sa anumang sakuna.

Samantala, gagawin naman sa Enero 3, 2019 ang pagsira sa mga iligal na paputok na makukumpiska sa pagsalubong sa bagong taon.

Facebook Comments