Pinayuhan ng Laban Konsyumer Incorporated ang mga customer ng Manila Water na itago ang kanilang mga susunod na water bill.
Sa gitna na rin ito ng ipinataw na multa ng MWSS laban sa Manila Water matapos ang kanilang krisis noong Marso.
Batay sa desisyon ng MWSS, pagbabayarin ng isang bilyong pisong danyos ang Manila Water kung saan ang kalahati nito ay ibabawas sa singil sa mga consumers habang ang natitirang halaga naman ay ipambibili ng mga bagong pagkukunan ng tubig.
Sabi ni Atty. Vic Dimagiba, pangulo at founder ng Laban Konsyumer Inc. dapat pag-aralang mabuti ang water bill para malaman kung magkano ang ibinawas sa singil sa kanila.
Facebook Comments