Mga kustomer ng Meralco at iba pang distribution utilities, makakatanggap ng refund ngayong buwan

Makakatanggap na simula ngayong buwan ng refund ang mga kustomer ng Meralco at iba pang distribution utilities.

Ayon kay Energy Regulatory Commission (ERC) Spokesperson Rexie Digal, nakita kasi na sobra ang singil ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) na siyang nagpapatakbo sa spot market ng kuryente mula June 2018 hanggang May 2019 dahil sa pagkakamali sa pagkwenta.

Buwan-buwan ang magiging refund hanggang sa maisoli ng Meralco ang 1.08 Billion pesos na sobrang nasingil sa mga kustomer.


Base sa kautusan ng ERC, hindi bababa sa 4-centavos kada Kilowatt hour ang ire-refund sa bawat kustomer

Sinabi naman ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, malalaman sa susunod na Linggo kung magkano ang eksaktong halaga ng refund ngayong buwan.

Maliban sa refund, nais din ng ERC na malaman ang puno’t dulo ng maling kwenta.

Pinadalhan na ng show cause order ng ERC ang PEMC para magpaliwanag.

Facebook Comments