Mga kwalipikadong rice retailers tiyak na makatatanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD

Titiyakin umano ng Department of Social Welfare and Develoment o DSWD na makatatanggap ng Financial Assistance ang mga kwalipikadong rice retailers.

Ito ay sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD kung saan aabot sa labing limang libong piso ang matatanggap ng mga rice retailers.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian hinihintay na lang nila ang listahan na magmumula sa Department of Trade and Industry (DTI)


Pinaaalahanan ni Gatchalian ang DTI na tiyakin na walamg maiiwan at hindi mabibigyan ng tulong pinansyal na rice retailers

Kahapon ay nagpulong na ang DSWD at DTI upang plantsahin na ang pay out sa rice retailers

Ito ay matapos na ipatupad ng gobyerno ang price cap na ₱41 kada kilo ng regular-milled rice habang ₱45 naman kada kilo sa well-milled rice.

Facebook Comments