Mga kwalipikasyon para sa susunod na AFP Chief of Staff, inilatag ng Palasyo

Kasunod ng nakatakdang pagreretiro ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Felimon Santos Jr. sa susunod na buwan, inilatag ng Palasyo ang mga kwalipikasyon sa naturang pwesto.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, napaka-importanteng pwesto para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang babakantehing posisyon ni Gen. Santos.

Ilan sa mga kwalipikasyon ayon kay Roque ay competence, integrity, hindi corrupt at maganda ang track record sa pagseserbisyo publiko.


Nabatid na sa August 4, 2020 ang huling araw sa pwesto ni Gen. Santos, isang araw pagkatapos ng kanyang ika-56 na kaarawan na mandatory retirement age para sa isang military personnel.

Una nang kinumpirma ni AFP Spokesperson Major Gen. Edgard Arevalo na mayroong sampung (10) pangalan ang nasa kanilang shortlist kung saan kanila na itong naisumite sa Malakanyang.

Facebook Comments