Mga kwento ni Lascañas sa senado, hindi nagtutugma ayon kay Secretary Panelo

21

Magkakakontra ang naging pahayag ni retired SPO3 Arthur Lascañas sa nangyaring hearing kanina sa senado.

 

Ito ang naging pahayag ni chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo matapos ang hearing ng senado na pinangunahan ni Senador Panfilo Lacson.

 

Ayon kay Panelo, lumalabas na mga imbento lamang ang mga sinabi ni Lascañas bukod pa sa napalutang na wala itong personal na alam sa mga umano’y pagpatay.

 

Assumption lang aniya ni Lascañas na si Pangulong Duterte ang promotor o nasa likod ng Davao Death Squad.

 

Binigyang diin din naman ng malacañang na imposibleng si Pangulong Duterte ang nasa likod ng mga pagpatay dahil galit ang pangulo sa extra judicial killing at kailan man ay hindi niya ito kukunsintihin.

Facebook Comments