Personal na nagtungo si Armed Forces of the Phlippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sa burol ng apat na sundalong nasawi matapos tambangan ng mga myembro ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group sa Datu Hoffer sa Maguindanao.
Taus-puso itong nakiramay sa mga naulilang pamilya nina Pvt. Marvin Dumaguing, Pvt. Jessie James Corpuz, Pvt. 1st Class Carl Araña at Cpl. Creszaldy Espartero.
Kasunod nito, tiniyak din ni Brawner na ibibigay ang lahat ng tulong at benepisyo sa mga naulilang pamilya ng apat na nasawing sundalo.
Matatandaang tinambangan noong Linggo, March 17 ang mga biktima habang pabalik sa kanilang kampo galing sa pamimili bilang bahagi ng kanilang community service.
Una na ring kinondena ng Sandatahang Lakas ang nangyaring pananambang kasabay ng pagtitiyak na papanagutin ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen at tutuldukan ang paghahasik ng takot sa nasabing rehiyon.