MGA LABI NG PULIS NA NAPATAY SA ENGKUWENTRO SA ISABELA, NAIUWI NA SA RIZAL, KALINGA!

Cauayan City, Isabela – Naiuwi na ngayong araw ang mga labi ni late Police Staff Sergeant Richard Gumarang na napatay sa nangyaring engkuwentro sa bayan ng Ramon, Isabela.

Una rito ay nagsagawa ng send-off ceromony ang Isabela Police Provincial Office bilang pagkilala sa kabayanihan ni P/SSgt Gumarang bago iuwi ang kanyang mga labi sa Brgy. Babalag East, Rizal, Kalinga.

Sa panayan ng 98.5 iFM Cauayan kay PCol Mariano Rodriguez, ang Provincial Director ng PNP Isabela, isang eulogy at misa ang kanilang inialay kay Gumarang na naging Intelligence officer ng PNP Ramon upang gunitain ang kanyang mga magagandang nagawa bilang isang pulis noong ito ay nabubuhay pa.


Ayon kay Police Colonel Rodriguez, naisumite na sa Camp Crame ang lahat ng mga dokumento para sa mga benepisyo na makukuha ng kanyang naiwang pamilya.

Nilinaw rin ni PCOL Rodriguez na ang grupong nakasagupa ng PNP Ramon ay hindi pa maituturing na organized group kundi isang criminal group pa lamang.

Samantala, naipasakamay na sa himpilan ng PNP Angeles, Pampanga ang mga narekober na baril, bala at ilang mga gamit.

tag: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, PNP Ramon, IPPO, engkwentro, pnp region 2, P/Brigadier General Jose Mario Espino, gumarang engkwentro, babalag east, kalinga

Facebook Comments