Iuuwi na ang mga labi ni Angelyn Aguirre ngayong araw ng Biyernes sa bansa matapos ang halos tatlong linggong paghihintay sa pag-uwi nito.
Ito ang kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung saan nakatakdang umuwi ang katawan ni Angelyn bukas November 3 at inaasahang makakarating sa kanilang tahanan sa Brgy. Balagan bayan ng Binmaley November 4 na.
Dahil dito puspusan ang isinagawang hakbang at paghahanda ng OWWA Region 1 para sa isasagawang hero’s welcome sa biktima ng girian ng Hamas at Israel.
Samantala, matatandaan na napaslang si Aguirre kasama ang kanyang nakakatandang amo sa Israel nang pasukin ng mga militanteng Hamas ang bomb shelter na pinagtataguan nito at ng kanyang amo at pinagbabaril.
Bukod kay Angelyn, uuwi na rin sa November 5 ang mga labi ni Grace Prodigo Cabrera na tubong Iloilo na napaslang din sa Israel, nauna nang nakauwi ang mga labi naman ni Loreta Alacre tubong Negros Occidental at isinagawa ang cremation sa mga labi ni Paul Vincent Castelvi sa Tel-Aviv.
Matatandaan din na nagbigay na rin ng tulong ang House of Representatives sa mga bawat pamilya ng napaslang sa Israel ng P500, 000. | ifmnews

Facebook Comments