Mga labor sector, dismayado sa resulta ng kanilang pakikipag-usap kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Dismayado ang labor sector sa resulta ng kanilang pakikipag usap kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Associated Labor Unions-TUCP, hindi pinirmahan ni Duterte ang bagong bersyon ng Executive Order na magbabawal na sa lahat ng anyo ng contractualization.

Sa halip, humingi ng hanggang March 15 si Duterte para pag-aralan ang nilalaman ng bagong draft ng EO.


Ito ay sa kabila ng Mayo pa ng 2017 naisumite sa Office of the President ang draft EO matapos ang Labor day dialogue sa Pangulo noong 2017.

Ang inakala ng United Labor sector na bonus na sana para sa mga manggagawa ay nauwi sa wala.

Dahil dito, nagkakasa na ang iba’t-ibang grupo ng mga manggagawa ng mga kilos protesta para igiit ang kagyat na aksyon sa isyu ng kontraktuwalisasyon.

Facebook Comments