Nilinaw ng Department of Health (DOH) at ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang magiging paglabag ang laboratories na magtatakda ng presyo ng COVID-19 testing ng mas mababa sa reference price na nakasaad sa DOH Circular No. 2020-0391.
Ayon sa DOH at DTI, walang masama kung ibabagsak ng mga laboratoryo ang presyo ng kanilang COVID test basta’t tiyakin lamang na dekalidad ang kanilang serbisyo.
Samantala, pananagutin naman ng DOH ang mga laboratoryo na lalagpas sa maximum price cap na ₱5,000 para sa private laboratories at ₱3,800 para sa public.
Tiniyak din ng dalawang ahensya na magpapatuloy ang kanilang pagbabantay sa presyuhan ng COVID-19 testing.
Layon nito na matiyak na magiging abot-kaya at dekalidad ang COVID-testing ngayong panahon ng pandemya.