Iinspeksyunin ng Department of Health ang iba’t ibang laboratoryo sa bansa na nagsasagawa ng COVID-19 Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing.
Kasunod ito ng anunsyo ng Clearbridge Medical Philippines sa Quezon City noong Hulyo 7 na bukas ito para sa COVID-19 Rapid test at RT-PCR testing kahit hindi ito sertipikadong magsagawa nito.
Ayon kay DOH Director Nicolas Lutero, isasailalim nila sa surveillance ang mga laboratoryo na una nang inireport na nasasagawa ng COVID-19 test kahit hindi otorisado.
Una nang nilinaw ng Clearbridge Medical na nagsasagawa lamang ito ng swabbing habang sinasagawa ng Safeguard DNA Diagnostics Inc., na isang DOH-licensed COVID-19 testing laboratory ang pagsuri sa mga specimen.
Dahil dito, pansamantala itinigil na ng Clearbridge Medical ang koleksyon nito ng mga specimen.
Sa Ngayon, mayroong 85 na lisensyadong laboratoryo ang bansa na nagsagawa ng independent testing para sa COVID-19.