Mga laboratoryo sa bansa, nakakapagsagawa na ng mahigit 12,000 COVID-19 tests kada araw

Mahigit 12,000 samples na ang nate-test ng bansa kada araw para sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 12,400 samples mula sa suspected COVID-19 cases ang nate-test na ng mga laboratoryo sa bansa.

Pero nagbabago-bago pa ito aniya kung saan noong June 21, 2020 ay nakapag-test na ng 10,967 ang bansa na mas mababa sa 7-day average.


Habang noong June 17, 2020 naman, naabot ng bansa ang pinakamataas na tests na 16,000.

Una nang target ng gobyerno ang 8,000 tests na magawa sa bansa kada araw pagdating ng April 30, 2020 pero kahit nabigong makamit ito, itinaas pa ang goal sa 30,000 tests nitong May 31, 2020.

Facebook Comments