Mga lactating mother sa QC, makatatanggap ngayong araw ng ayuda

Nagsimula ngayong araw ang payout sa ayuda sa mga lactating mother sa District 5 sa Quezon City.

Kabilang sa mabibigyan ng tulong ang mga nasa Barangay Fairview, North Fairview, Kaligayahan, Pasong Putik, Capri, Nagkakaisang Nayon, Novaliches Proper, San Agustin, Sta Monica, Bagbag, Gulod at Barangay San Bartolome.

Maliban sa mga inang nagpapasuso, makatatanggap rin ng ayuda ang iba pang sektor na lubos na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga driver ng pedicab, tricycle, PUV, taxi at Transportation Network Vehicle Service (TNVS), solo parents at persons with disability o kanilang mga magulang, vendors at hawkers, at senior citizens.

Magpapatuloy ang pamamahagi ng tulong sa iba pang barangay sa lungsod sa mga susunod pang araw.

Facebook Comments