Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Pamunuan ng Presidential Security Group o PSG na walang magbabago sa mga posibleng lakad ni Pangulong Rodrigo Duterte Mindanao matapos ang engkwentro ng PSG at ng ilang miyembro umano ng NPA sa Arakan North Cotabato kaninang umaga.
Ayon kay PSG Commander Brigadier General Lope Dagoy, kung mayroon mang pupuntahang aktibidad ang Pangulo saan man sa Mindanao ay tuloy naman ang mga ito.
Sinabi din ni Dagoy na hindi na nila ipinaalam kay Pangulong Duterte ang insidente dahil under control naman na ang sitwasyon.
Pero possible naman aniyang bisitahin ni Pangulong Duterte ang mga sugatang miyembro ng PSG sa Davao City.
Facebook Comments