Mga lalabag sa Anti-Distracted Driving Act, hindi muna huhulihin

Manila, Philippines – Wala pa munang pagkilos o hindi muna manghuhuli ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga lalabag sa Anti-distracted Driving Act.

Ipinaliwanag ni Manila Traffic and Parking Bureau Director Dennis Alcoreza, wala pa sa kanilang ordinance violation reciept ang ADDA.

Hindi pa nila natatatanggap ang kopya ng Implementing rules and regulations o IRR kaya hindi pa rin nila alam kung papaano ipapatupad ito.


Kulang di sa koordinasyon ang DOTr sa mga LGU kaya kailangan pa nilang humingi ng paglilinaw.

Maging ang mga traffic enforcer ng Maynila ay hindi rin nakakapagseminar tungkol sa ADDA.

Pero nilinaw ni Alcoreza na maaari naman manghuli ng lalabag sa ADDA ang MMDA,LTO at HPG sa Maynila.

Facebook Comments