Simula sa Martes, August 15, 2023, hindi na kukumpiskahin ang lisensya ng mga lumalabag sa batas-trapiko sa lungsod ng Navotas.
Ito’y dahil sa isusunod ang halaga ng multa sa traffic violations base sa Single Ticketing System sa Metro Manila Traffic Code.
Sa mga mahuhuli, maaaring bayaran ang multa sa traffic violation via online sa navotas.gov.ph o kaya sa City Traffic & Parking Management Office sa ground floor ng Navotas City Hall.
Kinakailahan na mabayaran ito sa loob ng 10 araw mula nang mabigay ang Ordinance Violation Receipt.
Pinapaalalahanan ang lahat na sumunod sa batas trapiko na nakasaad sa ordinansa sa Navotas kung saan sinuspindi na rin nito ang mga patakaran sa ilalim ng Single Ticketing System sa buong Metro Manila.
Facebook Comments