Hindi na muna manghuhuli ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lalabag sa umiiral na Child Car Seat Law o Republic Act 11229.
Ang batas na ito ay nag-oobliga sa paggamit ng car seats para sa mga batang edad 12-taong gulang pababa.
Ayon kay LTO Chief and Transportation Assistant Sec. Edgar Galvante, kailangan munang mapawi ang pangamba ng publiko sa bagong ipinatupad na batas.
Imbes na manghuli sinabi ni Galvante na tututukan muna nila ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko kaugnay sa malawakang implementasyon ng Child Safety in Motor Vehicles Act
Sa ngayon, sinuportahan ng Department of Transportation at LTO ang apelang suspensyon ng implementasyon ng Child Car Seat Law.
Magkakaroon pa kasi anila ng isang taong transition period bago ito ipatupad na nakasaad sa Implementing Rules and Regulations (IRR) na inaprubahan noong Disyembre 23, 2019 at nagkabisa nitong Pebrero 2020.