Mga lalabag sa jaywalking, huhulihin na

Huhulihin na ng mga tauhan ng Metro Manila Council (MMC) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga jaywalker o yung mga hindi tumatawid sa tamang tawiran .

Ito ay kasunod na rin ng pag-apruba ng MMC na patulungin ang MMDA sa pagpapatupad ng kanilang city ordinances.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, sasailalim sa mga seminar ang mga MMDA personnel para pag-aralan ang mga lokal na ordinansa sa paghuli nila ng jaywalkers.


Sa ngayon, may sariling anti-jaywalking policy ang MMDA at ang mga mahuhuli ay may opsyon na bayaran ang P500 multa o community service.

Sabi ni Lim, magsisimula silang manghuli kapag nailathala na sa mga pangunahing pahayagan ang resolusyon.

Facebook Comments