Mga lalabag sa mas mahigpit na ECQ, agad nang aaretuhin at hindi na wa-warningan

Nagbanta ng “massive arrest” ang Philippine National Police (PNP) kung magpapatuloy sa pagsaway ang publiko sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay PNP Chief General Archie Gamboa, hindi na sila magbibigay ng warning sa pag-aresto sa mga residente na sumusuway oras na ipatupad ng gobyerno ang mala-martial law na pagtugon sa lockdown.

Iniatas na din ni Gamboa si National Capital Region Police Chief Debold Sinas na maghanda na ng pasilidad para paglagyan ng mas marami pang maaaresto.


 

Facebook Comments