Mga lalabag sa NCAP, makatatanggap na ng text message sa loob ng isang oras —MMDA

Nakipag-ugnayan na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga Telco company para sa sistema ng violations sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Kasunod ito ng mga reklamo ng publiko sa mabagal na pag-inform sa may-ari ng sasakyan na sila ay nahuli na lumalabag sa batas trapiko.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni MMDA Legal Counsel Atty. Vic Nuñez na makatatanggap na ng SMS o text ang mga mahuhuling lumabag sa batas trapiko.

Mandatory aniyang ibibigay ng may-ari ng sasakyan ang kanilang mobile number at e-mail sa rehistro ng kanilang sasakyan para dito.

Ayon kay Nuñez, sa loob lamang ng isang oras ay matatanggap na ang may-ari ng sasakyan ang Notice of Violation mula sa MMDA.

Facebook Comments