Binalaan ni Makati City Mayor Abby Binay ang mga residente lungsod na posibleng makulong o pagmumultahin ang hindi tamang pagtatapon ng basura sa lungsod.
Pinayuhan ng alkalde ang mga residente na dapat paghiwalayin ang mga nabubulok, hindi nabubulok na basura at maaring i-recycle na dapat itapon lamang base sa mga itinatakdang schedule.
Paliwanag ni Mayor Binay na sa Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo ay dapat na itapon ang mga nabubulok na basura, habang ang Martes, Huwebes at Sabado sa hindi nabubulok, habang sa Linggo o kahit anong araw ay pwede dalhin sa kanilang mga barangay ang mga nare-recycle
Ayon sa akalde, maaring makulong ang isang indibidwal na lalabag mula lima hanggang 30 araw o multang P1,000.
Para sa establisyemento naman, P5,000 ang multa at maaring makulong ng 30 araw hanggang isang taon.
Dagdag pa ng alkalde na iikot simula alas-4:00 ng madaling araw sa Main road ang kolektor ng basura o truck habang alas-5:00 ng madaling araw naman sa inner streets iikot na pwede nilang abangan.