Mga lalabag sa price freeze, posibleng pagmultahin ng hanggang P2-M ayon sa DTI

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) na posibleng pagmultahin ng hanggang ₱2 million ang sinumang lalabag sa price freeze sa mga pangunahing bilihin habang nasa ilalim ng state of calamity ang Luzon.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, mayroong Suggested Retail Price (SRP) ang inilatag bago pa idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity.

Aniya, patuloy ang full compliance ng mga manufacuters at nakakabenta pa naman sila ng mataas.


Iginiit ni Lopez na mahalagang hindi gumagalaw ang presyo.

Ang mga lalabag sa price freeze ay pagpapaliwanagin kung bakit hindi sila dapat pagmultahin ng ₱1,000 hanggang ₱2 million.

Facebook Comments