Ipinag-utos ni PNP OIC Lieutenant General Archie Gamboa ang pag-aresto sa mga lalabag sa vaping ban.
Kasunod ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawal na ang pag-vape sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay Gamboa, inatasan niya ang lahat ng police units na istriktong ipatupad ang vaping-ban sa buong bansa.
Utos nyia rin ang pagkumpiska sa vaping paraphernalia at pag-account sa mga tindahan ng vape.
Kaugnay nito idineklara na rin ni Gamboa ang lahat ng kampo at himpilan ng PNP sa buong bansa bilang “no-vaping zones.”
Babala ni Gamboa, ang mga pulis na mahuhuling lalabag sa kautusan ay mahaharap sa disciplinary action.
Ang mga heads of offices at mga unit commanders ang magiging accountable sa pagpapairal ng vaping-ban sa kanilang mga tauhan.