Mga lalabag sa yellow lane policy, posibleng matanggalan ng lisensya – MMDA

Manila, Philippines – Sa kabila ng maraming dumededma sa ipinatutupad na yellow lane policy ng Metropolitan Manila Development Authority sa kahabaan ng EDSA.

Nagbabala ang ahensya sa mga patuloy na lalabag sa nasabing kautusan na maaari silang matanggalan ng lisensya.

Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA sa ngayon multa lamang na P200 sa mga bus na lalabas ng yellow lane habang P500 naman ang penalty sa mga pribadong sasakyan na mahuhuling gagamit ng bus lane .


Pero kanila aniyang pag aaralan kung maaaring marevoke ang lisensya ng mga violators na mayroong paulit ulit na paglabag.

Ngayong unang araw ng pagpapatupad ng mas pinaigting na yellow lane policy sa EDSA sangkatutak na motorista parin ang nahuhuling lumalabag.

Facebook Comments