Hinikayat ng palasyo ang publiko na magdala ng quarantine pass sakaling lalabas ng kanilang bahay para bumili ng mga pagkain o gamot.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaari pa ring gamitin ang quarantine pass na inisyu noong nakaraang taon para sa mga Authorized Person Outside Residence (APOR).
Habang para sa mga wala naman ay kinakailangan magpaliwanag sa mga otoridad na bibili lamang sila ng essentials.
Paliwanag ni Roque, bagama’t posibleng mag-isyu muli ng quarantine pass ang mga lokal na pamahalaan ay limitado lamang ang panahon lalo na’t holiday naman simula sa Huwebes Santo.
Bukod dito, tatagal lamang ng isang linggo ang ipatutupad na ECQ sa mga lugar na nasa loob ng NCR bubble na magsisimula bukas at magtatapos sa Easter Sunday sa Abril 4.