Mga lalawigang tatamaan ng matinding epekto ng El Niño, posibleng madagdagan pa ng 10 sa katapusan ng Pebrero

Asahang madadagdagan pa ang mga lalawigang makakaranas ng epekto ng El Niño o tagtuyot sa katapusan ng Pebrero.

 

Ayon kay Presidential Communications Office Assistant Secretary for Radio at Spokesperson ng El Niño Task Force Joey Villarama, nasa “strong” at “mature” category na ang El Niño ngayong buwan kung kaya’t patindi na ang epekto nito.

 

Sa kasalukuyan ay nasa 41 na probinsya na ang nakararanas ng matinding epekto ng tagtuyot pero posibleng madagdagan pa raw ito ng 10 sa katapusan ng buwan.


 

Kaugnay nito, pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Task Force El Niño ang sitwasyon ng supply at presyo ng pagkain, tubig, at kuryente sa mga apektadong lugar.

 

Pinababantayan din ang kalusugan ng publiko dahil sa mga sakit na posibleng lumutang sa panahon ng matinding tag-init.

Facebook Comments