Mga land at sea-based OFWs, maaaring nang i-deploy sa kabila ng banta ng COVID-19

Maaari ng makapagdeploy ang bansa ng mga land and sea-based Overseas Filipino Worker (OFWs) sa ibang bansa kahit nagpapatuloy pa ang banta sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kinakailangan lamang ng mga OFW na pumirma sa declaration form na batid nila ang peligrong susuungin sa ibang bansa.

Aniya, pinapayagan na rin na makabalik sa operasyon ang mga recruitment at placement agencies sa mga lugar na nasa ilalim ng General at Modified Community Quarantine.


Inaatasan naman ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman sa processing ng OFW deployment na maglagay ng green lanes para mapadali ang proseso at pagpapadala ng mga ito sa ibang bansa.

Nilinaw naman ni Roque na hindi kasama sa deployment ang mga OFW na nagtatrabaho sa health care services bilang pagtalima na rin sa deployment ban na ipinatupad ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA).

Facebook Comments