“Malasakit” at “Bayanihan”
Ito ang apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa mga landlord lalo na at patuloy na bumabangon ang maraming kababayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat magbigay ng maayos na arrangements ang mga lessor sa kanilang mga tenant kung paano mababayaran ng upa.
Hindi aniya ito ang tamang panahon para palayasin ang mga nangungupahan.
Nanawagan din si Pangulong Duterte sa mga nag-uupa na huwag tanggalan ng tubig, kuryente, at bubong ang kanilang mga tenant.
Para sa mga commercial establishment, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat magbigay sila ng grace period sa mga maliliit na negosyo na umuupa sa kanila.
Importante aniyang makabangon sila mula sa pandemya.
Una nang iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi maaaring palayasin ng mga landlord ang kanilang residential at commercial tenants at dapat silang bigyan ng 30-araw na grace period para bayaran ang kanilang upa kapag binawi na ang community quarantine.