MGA LANGAW SA MARABULIG 1, INAKSYUNAN NA

CAUAYAN CITY- Nagbigay aksiyon na ang pamunuan ng Brgy. Marabulig 1 hinggil sa inirereklamong langaw ng mga residente sa isang poultry farm sa kanilang lugar.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Jaime Andres Jr., nag-inspeksyon ang kanilang pamunuan sa nasabing poultry farm noong ika-19 ng Hulyo kasama ang City Task Force kung saan nakumpirma ng mga ito na madaming langaw sa nasabing poultry farm.

Aniya, nagkaroon na ng pagdinig ang konseho hinggil rito at inaantay na lamang ang direktiba ng mga ito hinggil sa aksiyon na kanilang gagawin sa inirereklamong poultry farm.


Sinabi pa ni Kagawad Andres na hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa langaw ang nasabing poultry farm.

Gayunpaman, namamahagi naman ang mga ito ng gamot laban sa langaw sa mga apektadong kabahayan at nakapamahagi na ang mga ito ng sampung sachet ng gamot.

Panuorin ang kanyang naging pahayag:CLICK HERE!

Facebook Comments