Mga langgam, nag-uwi ng hipon!

Courtesy Facebook/Klarck Niall Tacalan

HINDI lang pala mga Pilipino ang mahilig sa bayanihan, pati na rin ang mga langgam.

Noong Mayo 3, nakuhanan ni Klarck Niall Tacalan ang sanib puwersa ng mga langgam na ito upang makuha ang ulam na hipon. Nangyari ito sa bahay ng kanyang kaibigan sa Capalonga, Camarines Norte.

Nakasulat sa kanyang Facebook post na palagi daw siyang pinagbibintangan kapag may nawawalang ulam kaya nag-imbestiga na siya.


Kuwento ni Klarck, bumungad sa kanila na pinagkakaisahan iuwi ng mga langgam ang mga hipon na nakapatong sa mesa. Sinubukan nilang agawin ang pagkain ngunit hindi nagpatalo ang mga langgam. Dagdag pa niya, ang mga small but terrible creatures na ito ang naglagay ng mga hipon sa sampayan.

Hindi naman napigilan ng ilang netizens na matuwa sa kakaibang post ni Klark. Umabot na ito sa 24,000 likes at 36,000 shares.

Facebook Comments