Mga larawan at chat messages sa Facebook, tatanggapin ng ebidensya ng Supreme Court

Tatanggapin na ng Supreme Court (SC) bilang ebidensya sa korte ang mga larawan at chat messages mula sa Facebook Messenger kung ang mga ito ay nakuha ng isang pribadong indibidwal.

Batay sa SC, ang desisyon ay mula sa kaso ni Christian Cadajas na na-convict sa kasong paglabag sa Anti-Child Pornography Act nang makipag-chat ito sa isang 14-anyos na babae at hiningian niya ng mga nude photo.

Depensa ni Cadajas, hindi dapat tanggapin bilang ebidensya ang chat nila sa messenger dahil pinapasok na ang kanyang privacy.


Pero giit ng Kore Suprema, ang right to privacy na nasa batas ay pumoprotekta sa publiko laban sa panghihimasok ng mga alagad ng batas.

Sa kaso ni Cadajas, hindi gobyerno ang humalungkat ng mga chat niya sa messenger kundi ang ina ng dalaga na isang pribadong indibidwal kaya hindi pasok ang depensa ng suspek sa Data Privacy Act.

Facebook Comments