
Hindi dapat magkaroon ng shortcut sa pag-aaral lalo sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI) application.
Ito ang inihayag ni Supreme Court Senior Assocaite Justice Marvic Leonen kasabay ng babala sa mga bagong law student.
Ani Leonen, mas mahalaga pa rin na basahin ng mga estudyante ang buong kaso at hindi lang umasa sa AI.
Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagbabasa ng mga kaso, masasanay ang mga estudyante sa mga wika ng batas at mas magiging madali para sa kanila na magbasa ng daan-daang pleadings at desisyon.
Nagbabala rin si Leonen sa mga estudyante laban sa tinatawag na “digital amnesia,” o ang ugali na basta inilalagay na lang sa gadgets ang impormasyon sa halip na intindihin at tandaan.
Muli niyang paalala na mahalaga ring matutunan ang face-to-face communication, dahil kakailanganin ng mga abogado na makipag-usap nang personal sa kanilang mga kliyente.









