Mga leader ng mga nangungunang partido sa Kamara, nananatiling buo ang suporta kay PBBM

Nananatiling solid o buo ang suporta kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ng mga nangungunang partido sa kamara.

Ito ang tiniyak ng mga party leaders matapos maglabas ng tatlong video si dating Cong. Elizaldy Co kung saan itinuro nya si Pangulong Marcos na nag-utos na isingit sa 2025 national budget ang 100-billion pesos na halaga ng mga proyekto.

Giit ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno na Chairman ng National Unity Party, malinaw na imbento lang ang kwento ni Co at hindi kapani-paniwala.

Hinamon naman ni Rep. Kristine Singson Meehan ng Nationalist People’s Coalition si Co na umuwi sa bansa at panumpaan ang kanyang salaysay at ipailalim ang sarili sa tamang proseso ng imbestigasyon.

Diin naman ni Rep. Ferdinand Hernandez ng Partido Federal ng Pilipinas, puro hearsay o sabi-sabi lang ang statements ni Co at wala ding paraan para ma-authenticate ang video upang magamit na ebidensya.

Sabi naman ni Deputy Majority Leader Rep. Zia Alonto Adiong – Lakas-CMD, para magkaroon ng kredibilidad ang exposé ni Co ay dapat masuri ito, panumpaan nya at maging bukas sya sa cross examination.

Ipinunto naman ni Rep. Maximo Dalog ng Nationalista Party, kung kay Pangulong Marcos galing ang insertions eh bakit walang proyekto para sa lalawigan nito sa Norte.

Facebook Comments