MGA LEGAL VENDORS SA PAMILIHANG BAYAN NG MANGALDAN, IGINIIT ANG PATAS NA PAGTITINDA SA PAMAMAGITAN NG PAGBAYAD NG MGA KAUKULANG CASH TICKET AT PERMIT

Muling iginiit ng mga vendors sa mga pamilihan sa bayan ng Mangaldan ang patas na pagtitinda sa pamamagitan ng pagbabayad ng kaukulang mga cash at ticket permit upang mapanatili ang mga ito sa kanilang nararapat na pwesto.
Bunsod pa rin ito ng naiparating na hinaing sa tanggapan ng alkalde ng bayan kaugnay sa mga iligal na nagbebenta sa mga paligid ng palengke at kung paanong ang mga ito ay nakakaapekto na sa pagbebentang ginagawa ng mga vendors na legal na nagpapatakbo ng kanilang mga kabuhayan.
Isa ang nahaharang umano ang mga mamimili ng mga illegal vendors bago pa sila makagawi sa mismong kinalalagyan ng mga fish vendors sa loob ng public market.

Alinsunod dito, mahigpit na isinusulong ngayon sa bayan ng Mangaldan ang cash ticket collection sa mga nagbebenta upang maging patas ito sa mga vendors na tumatalima sa itinakdang tuntunin sa Mangaldan Public Market.
Nakatutok din umano ang kawani mula sa Office of the Market Supervisor upang mamonitor ang mga kalagayan ng mga vendor sa pamilihan at siguraduhing hindi lumalagpas ang mga ito sa nararapat na sukat lamang ng kanilang pwesto.
Samantala, panawagan naman ng mga legal vendors na kung ang mga ito ay nakakapagbayad umano ng mga kinakailangang bayarin sa pagbebenta ay dapat ganun din ang iba upang walang maagrabyado umano at hindi maging dahilan muli ng pagkaapekto ng kanilang maliit na hanapbuhay. |ifmnews
Facebook Comments