Quezon City – Inilunsad ng Quezon City government ang kauna-unahang sa Barangay Paligsahan, Quezon City.
Ang hakbang ay ginawa bilang pakikiisa ng QC government na mabigyan ng proteksiyon at maalis ang diskriminasyon sa hanay ng LGBT community sa lungsod.
Kaakibat din ng advocacy na mapangalagaan ang kapakanan ng mga LGBT members at pagkilala dito dahil sa naging papel ng mga ito sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Sa ilalim ng protocol ang mga LGBT members na makakaranas ng pagmamalupit, diskriminasyon, at karahasan ay maaaring humingi ng tulong sa QC police women’s desk, focal person sa kanilang barangay at one stop shop-QC protection center na nasa ilalim ng pagangasiwa ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Sa pamamagitan ng protocol, higit na mapapangalagaan ang kapakanan ng LGBT community sa Quezon City.