Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government unit (LGU) na maghanda ng sariling cold storage facilities habang naghihintay sa pagdating ng karagdagang COVID-19 vaccine supply.
Sa kanyang public address, iginiit ni Pangulong Duterte na problema ng ilang lugar ang storage facility para sa mga bakuna na nangangailangan ng malamig na temperatura.
“The best way is to prepare your cold storage now, whatever the shape, basta malamig lang, gumagawa ng ice,” sabi ni Pangulong Duterte.
Kailangan aniya ang cold storage facilities para maiwasang masayang ang mga bakuna.
Mula nitong June 27, aabot na sa 2,527,286 ang fully vaccinated laban sa COVID-19.
Facebook Comments