Mga LGU, dapat maging maagap kapag tumaas muli ang kaso ng COVID-19 – Malakanyang

50

Pinaalalahanan ng Palasyo ng Malakanyang ang mga Local Government Unit (LGU) na maging maagap sa pag-aabiso kung may clustering ng nagaganap sa kanilang mga area.

Ito ay sa gitna ng mahigpit na pagbabantay ng pamahalaan para mapigilan ang pagpasok ng Omicron variant sa bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, dapat agad na makarating sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang anumang naitatalang pagdami ng kaso sa isang lugar na nasa responsibilidad ng mga local government.


Oras aniyang magkaroon ng pagtaas ng kaso sa isang lugar, dapat agad ipatupad ang granular lockdown sa ilalim ng Alert Level System.

Facebook Comments