Mga LGU dapat makialam at huwag balewalain ang mga nangyayaring gulo sa kanilang bayan ayon kay Gov Mangudadatu

May panawagan si Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudafatu sa mga mayors at mga lider ng nasasakupan nilang bayan na magsilbing mediator sa mga naglalabang grupo dahil sa rido o alitan. Dapat pumagitna ang mga ito at huwag hayaang lumala ang sitwasyon sa kanilang lugar dahil nagiging kaawa awa ang sitwasyon ng mga sibilyan lalo na ang mga inosenteng mga bata.
May panawagan din ang gobernador sa mga kaanak at kasamahan ng mga sangkot sa gulo na huwag gatungan ang sitwasyon dahil hindi sila nakakatulong para matigil ang gulo bagkus ay nagpapalala sila sa sitwasyon. Ito ang panawagan ni Gov. Mangudadatu sa isinagawang 4th PPOC meering kahapon sa Eco Park area ng 6th Infanty kampilan Division kahapon.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments