Iginiit ng League of Cities of the Philippines (LCP) na dapat may awtoridad ang mga Local Government Unit (LGU) sa pagpili ng brand ng COVID-19 vaccines batay sa nais ng kanilang mga kababayan at pinansyal na kakayahan.
Ayon kay LCP National President, Bacolod City Mayor Bing Leonardia, dapat may karapatan ang mga LGU na pumili ng bakuna para sa kanilang mga residente.
Ang LCP ay nakikipag-coordinate sa walong pharmaceutical firms para malaman ang specifications at mga pasilidad na kailangan, maging ang efficacy ng bawat COVID vaccine.
Nanawagan din sila ng malinaw na plano para sa malawakang vaccination program dahil kailangan ng teamwork sa pagitan ng national government at LGUs.
Aminado naman si Leonardia na may ilang LGUs ang nag-uunahan para makakuha ng supply ng bakuna.
Sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Undersecretary Jonathan malaya, ang mga LGU na limitado lamang ang pondo ay maaari pa ring makakuha ng bakuna.