Nanawagan si Climate Change Commissioner Albert dela Cruz Sr., sa mga local chief executive na magsagawa ng inisyatibo para sa pagpapatupad ng climate action sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo na susuporta sa mga proyektong tutugon sa banta at epekto ng climate change.
Pero bago ang panawagang ito una nang hiniling ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Farah Gentuya sa mga provincial at local government unit sa Negros Oriental na palawigin ang paggamit ng kani-kanilang development funds matapos matukoy na ‘under-utilized’ ang 20 porsyento ng nasabing pondo ng nakaraang taon.
Kabilang sa mga inisyatibong dapat sana’t napondohan ay disaster response at mga programa may kinalaman sa climate action na magsusulong ng mitigation at adaptation sa mga epekto ng nagbabagong klima at global warming.
Kaya naman binigyang halaga ni Dela Cruz ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga LGU sa laban ng pamahalaan kontra environmental degradation na nagreresultall mula sa sinasabing mga anthropogenic o human activity tulad ng mismanagement ng waste disposal, nagpapatuloy na deforestation, walang tigil na polusyon ng ating mga water system at pagbalewala sa epekto ng greenhouse gas (GHG) emission.